Hindi lahat ng tao ay nabibiyaan ng masarap at tuloy-tuloy na pagtulog. Masasabing isang malaking suliranin ng isang tao kung hindi siya makatulog dahil hindi siya nabibiyayaan ng mga benepisyong dala ng pagtulog gaya ng:
Nag-aalis ng stress – Kapag hindi nakakatulog ang isang tao, tumataas ang kanyang blood pressure at paglalabas ng stress hormone sa kanyang katawan. Ang hormone na ito ang nagiging sanhi kaya nahihirapan ang tao na matulog at ang pagtaas ng blood pressure ay magiging daan para ma-stroke ang isang tao. Ngunit kung may sapat na tulog, tiyak na hindi tataas ang iyong dugo at hindi ka mai-stress.
Nagpapanatili ng mahusay na memorya – Kapag may kumpletong tulog, nagkakaroon din ng bagong kaalaman, madaling matuto sa mga bagay na pinag-aaralan, may magandang pakiramdam at takbo ng isip. Kaya naman nakatitiyak na makakagawa ng magagandang bagay.
Malusog na puso – Ang pagkakaroon ng walong oras na tulog ay sapat na para magkaroon ng malusog na puso. Dahil kapag kulang sa tulog tumataas din ang level ng cholesterol.