^

Para Malibang

Paglilihi ng mga lalaki

MAINGAT KA BA!? - Miss S - Pang-masa

Maaaring maranasan ng mga lalaki ang sintomas ng pagbubuntis ng kanilang partner.

Ang tawag dito ay Couvade Syndrome o Sympathetic Pregnancy Syndrome at ang sintomas ay tulad sa mga sintomas na nararanasan ng mga nagbubuntis na babae.

Nangyayari ito sa ikatlong buwan ng pagbubuntis ng mga babae. Habang nag-a-advance ang mga problema ng mga babae, gayundin ang mga lalaki katulad ng weight gain,  pagkapagod, pagkahilo, nausea, pagsusuka, constipation at maging sickness!

Ang mga father-to-be na nakakaranas ng Couvade ay pinapayuhang mas maging involve sa pagbubuntis ng kanilang partner at gawin lahat para mas gumaan ang kanyang pakiramdam.

 

Babaeng taga-Brazil idinemanda ang kanyang partner dahil hindi siya nag-orgasm

 

Kung magkakaroon ng batas na kailangang mapag-orgasm ng mga lalaki ang kanilang partner kapag sila ay nakipag-sex, posibleng maraming lalaki ang tututol dito.

Maraming mga lalaki kasi na kapag nakapag-climax na ay tapos na rin ang ‘session’ kahit hindi pa tapos si Ate.

Noong 2005, isang Brazillian na babae ang nagdemanda sa kanyang partner dahil hindi siya napapag-orgasm.

Sinabi ng 31-gulang na babae mula sa Jundiai City na madalas na humihinto ang kanyang partner kapag nakapag-orgasm na siya.

Sinabi ng babae na sa tingin niya ay lagi siyang ‘binibitin’ ng kanyang 38-gulang na partner sa kanilang sexual activity.

Tulad ng inaasahan, walang nakitang grounds sa kanyang kaso kaya ibinasura ito.

 

BABAE

BABAENG

BRAZILLIAN

COUVADE SYNDROME

HABANG

JUNDIAI CITY

PARTNER

SINABI

SYMPATHETIC PREGNANCY SYNDROME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with