Panaginip: In real life, may tindahan kami ng isda sa palengke. Sa panaginip, ang tinda namin ay salmon. Nililinis ng aking ina ang mga salmon. Nagalit siya sa akin kaya inihagis sa aking mukha ang lamang loob at kaliskis ng isda.---Faye
Interpretation: Ang salmon ay simbolo ng karunungan at katalinuhan. Ang iyong ina na nagagalit sa panaginip ay simbolo ng iyong konsensiya. Ang lamang-loob ng isda at kaliskis ay nagre-represent ng mga bagay na walang kuwenta. Nakokonsensiya ka at nagagalit sa iyong sarili dahil hindi mo ginamit ang iyong potensiyal kaya nawalan lang ito ng kuwenta.