Iangkop mo ang iyong activities sa tamang araw o panahon upang makamtan ang magandang kapalaran. Tumingin sa kalendaryo para matiyak kung ano ang petsa ng NEW MOON. Ang petsang ito ang ikukunsidera mong DAY ONE (1).
Day 25—Magandang araw para ipaayos ang bahay. Kung noon pa ay masipag ka na sa iyong trabaho, malaki ang tsansang sa araw na ito mapapansin ng mga bossing ang iyong kasipagan.
Day 26—Ang negosyong inumpisahan sa araw na ito ay uunlad. Ang pagpapakasal ang magbubuÂnga ng masayang buhay. Biyaya ang makakamtan ng mga naiwan kung sa araw na ito ililibing ang kanilang namayapang kamag-anak.
Day 27—Huwag ngayon sisimulan ang pagpapatayo ng mataas na building dahil magdadala lamang ito ng kamalasan sa may-ari. Maghihirap sa buhay ang mag-asawang magpapakasal sa araw na ito. Kung sa araw na ito magtatanan ang magkasintahan, darating ang panahong magiging pabayang asawa ang lalaki.
Day 28—Masuwerte ka kung natapat sa araw na ito ang iyong “first day†sa kompanya. SusuÂwertehin kang ma-promote sa mga darating na araw. Uunlad ang negosyong uumpisahan sa araw na ito. Lucky day para magpakasal.