Alam n’yo ba na natagpuan sa Khabis Iran ang pinakamatandang bandila sa buong mundo? Gawa sa metal ang nasabing bandila at may sukat na 9x9 inches at may larawan ng agila, lion, diyosa at tatlong babae at baka. Sa ngayon si Queen Elizabeth II ng United Kingdom of Great Britain at Northern Ireland ang pinakamatagal na nanunungkulang reyna sa buong mundo. Nagsimula siyang manungkulan bilang reyna noong Pebrero 6, 1952.
Si Peter Henlein ng Nurnberg, Germany naman ang gumawa ng pinakamatandang portable clock at ito ay gawa sa bakal noong 1504.