Gabay sa Maunlad na Pamumuhay

Iangkop mo ang iyong activities sa tamang araw o panahon upang makamtan ang magandang kapalaran. Tumingin sa kalendaryo para matiyak kung ano ang petsa ng NEW MOON. Ang petsang ito ang ikukunsidera mong DAY ONE (1).

Day 1—Anumang bagay na sinimulan sa araw na ito ay magtatagumpay. Ang mga ikakasal sa araw na ito ay mabibiyayaan ng maraming anak. Ngunit mamalasin kung sa araw na ito gagawin ang pagre-repair ng nitso ng patay.

Day 2—Huwag umpisahan ang anumang gawain sa araw na ito dahil kabiguan lang ang resulta. Delikado kung sa araw na ito magtatayo ng pundasyon ng isang building. Tiyak na guguho ito sa  hinaharap. Huwag uutusan ang panganay na anak na gumawa ng importanteng bagay, magiging magulo lamang ang resulta. Kapag nagpakasal sa araw na ito, isa ang mamamatay nang maaga.

Day 3—Iwasang magpakasal  at maglakbay gamit ang sasakyang pangdagat sa araw na ito dahil kalungkutan lang ang idudulot nito. Huwag magsagawa ng libing at maghihirap lang sa buhay ang mga naulila.

Day 4—Anumang sisimulan sa araw na ito ay magdudulot ng kasaganaan. Ang opisyal na may importanteng posisyon sa gobyerno o private organization ay susuwertehin/mapo-promote kung umatend sila ng libing o lamay sa araw na ito.

Day 5—Huwag gumawa ng anumang importanteng bagay sa araw na ito. Ang kasal o libing na isinagawa sa araw na ito ay magdudulot ng three years bad luck.

Day 6—Magandang panahon para magtanim. Ang pagpapakasal o paglilibing ay magdudulot ng kasaganaan/ pagkakaroon ng magandang trabaho  mula sa isang hindi inaasahang pangyayari. (Itutuloy)

 

 

 

         

Show comments