Aswang Family (68)
EWAN kung sa kalituhan kung magiging superhero na ng mundo o mananatiling masamang diwata, ibinangga ni Adwani ang kotse sa ocean liner sa Pacific Ocean.
Sabog ang kotse niyang mula sa magic. Si Adwani ay tumilapon, kaydaming tinamong sugat.
Hindi man lang namalayan ng nasa ocean liner ang naganap na aksidente. Buong yabang na nagpatuloy sa paglalakbay ang napakalaking sasakyang dagat.
Ang bad fairy, ano na ang nangyari? Nasaan na ang magical car niya?
SI ADWANI, a.k.a. Bad Fairy na moderna, ay nakalutang sa dagat, pataob, lasug-lasog ang butterfly wings, sunog ang suot na bikini.
Nakabuyangyang ang kanyang kahubaran nang padapa; kung siya ay ititihaya, matatambad ang lahat-lahat niyang yaman bilang magandang dalaga. Lulumain niya ang pinakaseksing bold star sa buong mundo.
Sa ilalim ng dagat, aali-aligid ang mga pating kay Adwani; ang mga ito ang nakakaalam kung patay na o buhay pa ang hubo’t hubad na biktima.
May kamatayan ba ang tulad niyang nilalang ng kadiliman?
SA ISLANG mabato, natagpuan na ng mga naghahanap ang lulan ng eroplanong nawawala. Tama pala ang sabi ng mahiwagang babaing nakasakay sa kotseng pandagat.
Nalaman ng mga rescuers na ang eroplano ay bumulusok sa ilalim ng dagat, pero ayon sa mga survivors ay muling lumutang--sa tulong ng dalawang kakaibang nilalang.
“Isang bading na kapre at isang fairy na nakaÂbikini ang nagligtas sa amin, sa maniwala kayo’t hindi,†matatag na sabi ng kapitan ng eroplano.
“Ang bading na kapre ay iniwan ng fairy na nakabikini, kasama namin dito sa isla, †dugtong ng isang survivor.
“Nasaan na…?†tanong ng rescuer.
Saka lamang nalaman ng mga survivors na wala na sa paligid ang kapreng bading. Hindi na alam kung nasaan.
SA HIMPAPAWID, mangha ang nasa search helicopter sa nakita sa ibabaw ng dagat. “Tingnan n’yo! Hayun!â€
Magandang babaing naked, naglalakad sa karagatan! (ABANGAN)
- Latest