^

Para Malibang

Puso o relihiyon?

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Mayroon akong bf na nakipagkalas sa akin dahil bawal daw sa kanilang relihiyon ang makipagkasintahan. Pero muli niya akong binalikan dahil mahal raw niya ako. Nakipagbalikan ako dahil mahal ko rin siya pero lihim lang ito dahil mapapagalitan siya ng mga kasamahan niya sa kanilang simbahan. Ngayon ay nagkaproblema siya kung sino ang pipiliin niya, ako o ang kanyang relihiyon. Gusto kong ako ang piliin pero may parusa namang kapalit at ayaw ko rin masaktan siya. Ano po kaya ang puwede kong ipayo sa kanya? - Missy

Dear Missy,

Hindi naman itinuro sa Biblia na bawal ang magkaroon ng kasintahan. Ang pagkakaroon kasi ng katipan ay paghahanda sa pagkakaroon ng asawa. Itinakda ng Dios na mag-asawa ang babae at lalaki para hindi maputol ang lahi ng tao. Ang sabi sa Biblia  ay manatiling single o walang asawa kung kaya ng tao pero kumuha ng asawa kung hindi kayang magtimpi sa halip na masunog sa masidhing pagnanasa. Hindi kaya ang ibig sabihin ay bawal siyang makipagrelasyon sa taong iba ang relihiyon? Kung iyan ang kaso, dapat nga siyang mamili. Relihiyon o ikaw na sinasabing mahal niya? Kung pipiliin niya ang kanyang relihiyon, desisyon niya iyon at wala tayong magagawa. Dapat magpasya na siya ng maaga para maipagpatuloy mo ang buhay mo.

ANO

BIBLIA

DAPAT

DEAR MISSY

DEAR VANEZZA

DIOS

ITINAKDA

MAYROON

NAKIPAGBALIKAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with