Aswang Family (66)

YANIG na yanig ang kapreng bading sa sinabi ng diwatang nakabikini. “Nakwupo, n-nagbibirwo ka lang, di bwa, Adwani?”

Umiling ito. “Sotero, my ex-lover, ang nasabi ko ay nasabi ko na. Kayong apat na miyembro ng Aswang Family—buburahin ko na sa mundo.”

“Perwo bakwit?” napapaiyak nang tanong ng kapreng bading. “Wala kwa na bwa talagang kunsensiya?”

Sa halip sumagot, kumumpas sa hangin ang masamang diwata.

Mula sa wala, biglang lumitaw ang kakaibang sasakyan. POP.

Isang kotseng lumulutang at nakatatakbo sa dagat. Sumakay agad dito si Adwani.

“Maawa kwa, huwag mo kamwing burahin! Hu-hu-huuu!”

Bruuummm.

Nasaksihan ng mga survivors ang pag-alis ng kanilang superhero. Kinawayan nila ito—kasama ang lungkot at ligalig.

Matatagpuan pa kaya sila bago sila mamatay sa islang mabato?

Nag-iisang bumalik sa mga survivors  ang kapreng bading. Bagsak ang mga balikat, sobra ang agam-agam.

“Bakit ka iniwan?” naguguluhang tanong ng kapitan ng eroplanong nag-crash sa Pacific Ocean.

“Kasi pwo, kami ng pamilya kwo—buburahin na niya sa mundwo.”

Naguluhan ang kapitan. “Meron kang pa­milya?”

Tumango ang kapreng bading. “Kamwi po ay apat—akwo, ang misis kwo, ang aming anwak na babae at ang mister niya…”

“Bakit daw kayo buburahin…?”

“Mahabang istorya pwo, Kapitan…problema pwo sa pag-ibig.”

Nakisimpatiya sa kapreng bading ang kapitan at ang iba pang survivors. Natawid na ng mga tao ang takot; kakampi na ang turing sa kapre.

SI ADWANI ay naglalakbay sa ibabaw ng dagat, kaybilis ng patakbo sa kotseng minadyik lamang. Bruuguumm.

Namataan siya ng  naghahanap na rescue ship. Parang nakakita ng kababalaghan  ang crew ng barko.

“Naroon sa isla ang mga sakay ng eroplano!” sigaw ng bad fairy, napakalakas ng boses. (ABANGAN)

Show comments