Alam n’yo ba?

MANILA, Philippines - Alam n’yo ba na bago ikasal si Prince William ng United Kingdom sa misis nitong si commoner na si Kate Middleton ay ginawan ito ng “Viagra brew”?  Ang inuming ito ay may sangkap na viagra, horny goat weed at chocolate. Pinangalanan ito na “Royal Virility Performance”. Ayon sa ulat, madaming bote ng inuming ito ang ipinadala ng Scots Brewer kay Prince William. Ang wedding cake naman sa kasal nina Queen Victoria at Prince Albert ay may laking 9 feet pabilog, may bigat na 300 pounds at may taas na 14 inches.

 

Show comments