NAKIKAIN na rin sa masaganang hapunan ng survivors ang bading na kapre. Nalunasang pansamantala ang gutom at uhaw sa islang mabato.
“Ikwaw, Fairy, kain na rwin!†anyaya ng kapre kay Adwani.
Nakangiting umiling ang masamang diwata. “Bakla, hindi ako kumakain ng pagkaing-tao .â€
“Kaswi’y tao ang kinakain mwo, Adwani! Hi-hi-hi.â€
Sumeryoso ang mukha ng bad fairy na nakabikini. “Usap tayo pagkakain mo, bakla. Sa dulo ng beach.â€
“Oo, darating akwo, dah’ling! Uupakan kwo muna ‘tong adobwong manwok at nilagwang bakwa.â€
“Hinding-hindi ko malilimutan ang feeling na ‘to—na ako’y nakagawa ng kabutihan…na ako’y itiÂnuring na superhero. An’ sarap ng pakiramdam talaga.â€
“Heaven, di bwa?â€
“Oo, bakla. Heaven.â€
“Ayy, bawal ka duon, di bwa?â€
Nanlumo ang bad fairy. Bawal nga siya sa KahaÂrian ng Diyos.
Lumakad nang papunta sa dulo ng beach si Adwani. “Tandaan mo, bakla, mag-uusap tayo.â€
Tumango ang kapreng bading. “Yes, mahal kwong diwata—see yours! Ayy, mali—see you palwa!â€
BAGO lumubog ang araw, magkausap na nga sina Adwani at Mang Sotero. Nakasalampak sila sa batuhang nasa gilid ng dagat.
“Sotero, nasusuklam ka ba sa akin?â€
Naging matapat ang bading na kapre. “ Oo, Adwani, kapwag akwo’y nasa normal kwong katauhan—isinusumpa kitwa…laluna’t idinamay mwo ang akwing buong pamilya…â€
Napalunok ang masamang diwata, nagtangkang huwag mahabag sa sarili. “Hindi mo kasi alam ang sakit na dinulot mo sa akin, Sotero—pinakasalan mo si Mameng kahit mainit na mainit ang ating love affair…â€
Hindi makaimik ang bading na kapre.
“Anyway, matapos kong maging superhero, ipinasya ko nang totally ay kalimutan ka, Sotero…Ikaw at ang Aswang Family mo—buburahin ko na sa mundo!†(SUBAYBAYAN)