^

Para Malibang

Wala ng respeto sa isa’t isa

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Hiwalay na kami ng ama ng aking anak. Anim na taon din kaming nagsama kahit alam kong pamilyado siya. Sobrang mahal ko siya noon. Pero ang pagsasama namin ay dumating sa punto na nawawalan na kami ng respeto sa isa’t isa. Nasaktan niya ako. Nalaman ko rin na kung sinu-sino ang babae niya. Ilan dito ay dinadala pa niya sa bahay namin. Nakikita ito ng anak ko at marahil ito ang dahilan kaya lumayo ang loob niya sa kanyang ama. Tama ba ang ginawa kong paglayo ng aking anak sa kanyang ama? May karapatan ba siyang kunin ang anak ko? Ang nanay ko po ngayon ang nag-aalaga sa bata dahil ako ay nagtatrabaho. - Viki

Dear Viki,

Kahit sa ilalim ng batas, ang ina lagi ang may karapatan sa anak lalu pa’t hindi kasal ang mga magulang. Sa paglalarawan mo sa kinakasama mo, masamang impluwensiya lang ang maidudulot niya sa bata. Hindi gawain ng isang matinong padre de pamilya ang magdala ng ibang babae sa bahay at ipakita pa ito sa bata. Tama lang na lumayo kayo sa kanya. Ang tulad niya ay walang karapatang ma­ging ama ng inyong anak. Mabuti na lamang at hindi kayo kasal. Pabayaan n’yo na siya at pagtuunan mo ng atensiyon ang kinabukasan ninyong mag-ina.

Sumasaiyo,

Vanezza

ANAK

DEAR VANEZZA

DEAR VIKI

HIWALAY

ILAN

KAHIT

NAKIKITA

NALAMAN

TAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with