Aswang family (60)
SIMPLE ang kaligayahan ng masamang fairy at ng bading na kapre. Kapalit ng gagawing pagliligtas nila sa mga survivors ng eroplano, nanghingi si Mang Sotero ng make-up kit sa babaing pasahero; si Adwani naman ay humiling sa kapitan ng eroplano ng ice cream.
Parang batang nag-indulge sa chocolate ice cream ang nakabikining diwata. “Sarap-sarappp. Hi-hi-hiii.â€
Hindi malaman ng kapitan ng eroplano at ng mga survivors kung sila’y tatawa o kikilabutan sa nagaganap. Totoo bang sila ay dadalhin sa kaligtasan ng dalawang kakaibang nilalang na identified sa mga kampon ng kadiliman?
“Excuse me, wala pa kaming natatanaw na island. Saan tayo…?†Nag-aalala na ang kapitan. “Bakit hindi ninyo gamitin ng mga tauhan mo, kapitan, ang inyong gadgets? ‘Yang bigay ko sa iyo, state-of-the-art. Kumontak kayo sa mga naghahanap na sa inyo,†mahabang sabi ni Adwani, patuloy sa pagnamnam sa ice cream. “A-actually, nagawa ko na ‘yon…hindi nga lang ako makakontak directly, Miss Fairy Whatever,†sabi ng kapitan.
Natawa si Adwani. “Call me Fairy of the Ocean, Captain! Ha-ha-ha!â€
Tinanaw nila ang eroplanong nakalutang sa gitna ng ocean.
“EEEEE!†tili ng mga survivors, mga babae.
Kitang-kita kasi na unti-unti nang lumulubog muli ang eroplanong nag-crash. Kanina lang ay kasama sila noon sa pusod ng dagat.
SA BAHAY na bato, mamatay-matay na sa pag-aalala kay Mang Sotero sina Shalina, Greco at Aling Mameng. Maghapon nang nawawala ang matandang lalaki.
Hindi na matapus-tapos ang pag-iyak ni Aling Mameng. “Hu-hu-huu. Kung kailan dapat ay payapa na kami ni Sotero…kakaunti na lang ang aming buhay, bakit pinakialaman pa ni Adwani?â€
“Inay, palagay ko’y hindi naman papatayin ng masamang diwatang ‘yon si Itay…sobrang mahal niya si Itay…†“Alam n’yo bang…pagabi na naman?†napapailing na sabi ni Greco.
“Pero tapos na ang pagbibilog ng buwan,†sabi ni Shalina. “Hindi tayo magiging aswang ngayong gabi…†(ITUTULOY)
- Latest