“NARINWIG MWO akwo, Adwani—tulungan nat-win ang mga sakway ng eroplan-wo! Dalwiii!†pakiusap ng bading na kapre sa bad fairy.
Nasa ibabaw sila ng Pacific Ocean. Saksi sina Adwani at Mang Sotero sa pagbulusok ng malaking eroplano sa ilalim ng dagat.
“At bakit ako magmamadaling tulungan ang mga sakay ng eroplano, Sotero?†taas ang kilay na tanong ni Adwani. “Nalimutan mong ako’y masamang diwata?â€
Hindi makahagilap ng sagot si Mang Sotero. Nakabitin pa rin siyang patiwarik, hawak ni Adwani sa paa.
“At ikaw, Sotero, nalimutan mong kapreng baÂding ka? Pareho tayong kalaban ng mababait!â€
“Perwo, Adwani, pagkakataon na natwing baguhin ang atwing image. Lalun-wa ikwaw, matatandaan ka ng mga tao na super hero-- kahit minswan lang!â€
Natigilan ang bad fairy, namilog ang mga mata. “I-I love super-heroes, Sotero! B-bakit nga ba hindi…?â€
Biglang nilagyan ni Adwani ng pakpak ang kapreng bading.
Malalaking pakpak na kulay-pink. Natuwa ang kapreng bading. “N-napakagand-wa, bagay na bagay sa akwinnn!
“Pero bakwit, Adwani? Para saan itwo?â€
“Dadalhin natin sa kaligtasan ang mga sakay ng eroplano, Sotero.â€
Nawalang bigla ang bad fairy; nanatiling nasa ibabaw ng karagatan ang kapreng baÂding, sa tulong ng mga pakpak na pink.
SA ILALIM ng Pacific Ocean, ang eroplanong bumulusok ay nasa pusod na ng dagat—anumang sandali ay sasabog na.
Buhay pa ang mga pasahero at tripulante, nagpipilit lumabas. Nagpa-panic na silang lahat. Nag-iiyakan na.
Nang biglang nahilang paitaas ang eroplano. WUUUNNNG.
Mabilis na pumaiÂbabaw sa ocean. Parang barkong nakalutang sa karagatang iyon.
Hindi doon natapos ang hiwaga—biglang bumukas ang mga emergency exits ng eroplano.
Noon nakita nga mga pasahero ang napakagandang diwata, na may alalay na kapreng baÂding—with pink wings. (ITUTULOY)