Kilalanin siya sa 1st date pa lang

Pagkakataon mo nang makilala ang isang tao sa inyong unang date. Malalaman mo  sa inyong first date kung siya ba ay potensiyal na makasama mo sa habambuhay. Ngunit paano mo naman malalaman na mapapasaya ka niya sa inyong “private moment”? Narito ang ilang paraan:

Paano siya magsalita? – Ayon sa pag-aaral ng sex expert na si Tracey Cox, malalaman ang lala­king hindi “boring” sa kama kung siya ay hindi rin boring kausap. Kung sa inyong unang date ay magiliw siyang makipag-usap at may iba’t ibang tono ng boses at napapatawa ka niya, tiyak na ganito rin siya kasaya sa kama.

Saan siya nakaupo? – Sa inyong date, masusing pag-aralan kung saan siya nakaupo. Kung mas pinili niyang maupo sa bahagi ng lamesa na ikaw lang ang kanyang nakikita. Mabuting senyales ito. Dahil ibig sabihin nito ay ikaw lang ang nais niyang makita at bigyan ng kanyang atensiyon. Tiyak na ganito rin siya kapag kayo ay nagsosolo lang.

Anong kanyang ino-order sa inyong date? Ang lalaking palaging gusto ng adventure maging sa kanyang pagkain ay tiyak na marami rin siyang nais gawing kakaiba kapag kayong dalawa na lang na ikaw ay masisiyahan.

Paano siya makipag-holding hand? Ang lalaking may tunay na “fee­lings” para sa’yo ay malalaman mo sa paraan ng kanyang paghawak sa iyong kamay. Kapag ang kanyang pakikipag-holding hand ay naka-cross o nakapasok sa bawat espasyo ng iyong daliri, tiyak na nais niyang maging konektado sa’yo mapapisikal man o emosyonal.

Show comments