Gumawa ng Lucky Charm

Magical Ribbon

Bumili ng 3 pirasong pulang tali na may habang 1.8 meters.

Pagsamahin ang 3 tali sa pamamagitan ng pagbuhol sa dulo nito.

Itirintas ang 3 tali.

Ibuhol ang isa pang dulo matapos magti­rintas.

Sa pagitan ng dalawang buhol, gumawa ng lima pang buhol na may equal distance. Magkakaroon ngayon ng 7 buhol ang taling itirintas ninyo.

Sinisimbolo ng 7 buhol ang key of luck. Magiging magical ribbon na ito.

Isuot lagi ang magical ribbon bilang necklace, belt, headband, pangtali sa buhok, bracelet o kahit sa paanong paraan. Ang mahalaga ay nakadikit ito sa katawan mo.

Magic Bracelet

Gumawa ng bracelet mula sa leather.

Sulatan o dikitan ng inyong lucky number (base sa Western astrology or Chinese astrology o mismong birth date).

Ang leather ay naglalabas ng “positive, bene­ficial waves” na pinagmumulan ng good luck.

Show comments