Alam n’yo ba na ang “spinach†o ay orihinal na nagmula sa Persia at nakilala lang ito sa Europa noong 15th Century. Ang lettuce naman ay mayaman sa vitamin A at ang mas matingkad na kulay nito ay nagtataglay ng mas mataas na vitamin A, C, calcium, iron, magnesium, potassium, protein at alkaline. Ang isa pang uri ng lettuce ay kulay pula. Mahusay itong panlaban sa mga free radicals na siyang sumisira sa cells sa loob ng katawan. Ayon sa American Cancer Institute at American Cancer Society, ang pagkaing mayaman sa mga nasabing bitamina ay panlaban din sa pagkakaroon ng cancer. Nagtataglay din ang lettuce ng katas na ginagamit bilang sangkap sa mga pain relievers.