Alam n’yo ba na noong 1900 ang Category 4 hurricane na tumama sa Galveston, Texas ay pumatay ng 12,000 katao matapos na tila magwala rin sa lupa ang mga naglalakihang alon o tinatawag na “storm surge†sa dagat na nakapaligid dito? Ang storm surge kasi ay ang pagtaas ng tubig sa dalampasigan bunsod ng low pressure, tropical cyclones at matitinding extratropical cyclones gaya ni Yolanda. Ang dalang hangin ng mga bagyo o sama ng panahon ang siyang nagpapataas ng tubig sa dagat. Mas nagiging mapaminsala ang storm surge kapag sumabay ito sa high tide dahil doble ang itinataas ng tubig-dagat kumpara sa normal na lebel nito. Maaari rin epekto ng global warming ang matitinding storm surge sa iba’t ibang bahagi ng mundo.