Ano ang Mangyayari sa Mundo? (4)

Ano kaya ang mangyayari sa paligid kung ang  taon ay nasa mga sumusunod na animal signs :

Year of the Horse

Seventh animal sign sa Chinese Zodiac. Sinisimbolo nito ang South direction. Ipinapayong gawin sa year of the Horse ang pagnenegosyo ng solo. Ito ay doon sa dating may kasosyo ngunit ipinasiya niyang humiwalay sa kanyang partner. Ito ang panahon kung kailan ang career o negosyo ng mga tao ay “sumisipa” dahil  para bang  ang lahat ay masisipag magtrabaho.

Year of the Sheep

Eight animal sign sa Chinese Zodiac. Sinisimbolo nito ang South at Southwest direction. Quiet and peaceful ang paligid kung year of the sheep. Umaasenso sa year of the Sheep ang hanapbuhay na may kaugnayan sa creative art. Ang tendency ng mga tao ay ipokus ang kanilang atensiyon sa pamilya.    

Year of the Monkey

The ninth animal sign sa Chinese Zodiac. Sinisimbolo niya ang West at Southwest direction. Sinisimbolo ng Monkey ang katusuhan, katalinuhan at pagkamalikhain. Sa taon ng Monkey nagkakaroon ng maraming kaso ng lokohan sa pera at marami pang uri ng eskandalo. Ngunit ang maganda, sa taon din ito nagkakaroon ang mga tao ng malaking pag-asa o feeling na “nothing is impossible”. Itutuloy

Show comments