Ano kaya ang mangyayari sa paligid kung ang taon ay nasa mga sumusunod na animal signs :
Year of the Dragon
Fifth animal sign sa Chinese Zodiac. Sinisimbolo nito ang East at Southeast direction. Para sa mga Chinese, ang year of the Dragon ang masuwerteng panahon para magpakasal at manganak. Pinaniniwalaang nagdadala ng suwerte ang anak na ipinanganak sa year of the Dragon. Grabe ang baha at madalas ang sunog kapag year of the Dragon. Magkaganoon pa man, masuwerteng mag-start at mag-expand ng business sa year of the Dragon.
Year of the Snake
Sixth animal sign sa Chinese Zodiac. Sinisimbolo nito ang South at Southeast direction. Puno ng tensiyon ang paligid kapag year of the Snake. Ang mga masasamang pangyayari ay bigla na lang bubulaga. Kaya makabubuting maging mapagmasid upang kung may mangyayaring hindi maganda ay nakahanda ka kahit paano. Mamamayani rin sa bawat tao ang kawalan ng tiwala sa isa’t isa. Hindi magandang magsugal sa year of the Snake. Malas magsugal at mag-invest sa isang negosyong bago pa lang sa market. Itutuloy