^

Para Malibang

Ketong

BODY PAX - Pang-masa

Last part

Ang ketong makikilala dipende sa dame uri ng sugat na mayroon ang isang pasyente. Ang gamutan at sintomas ay nakadepende sa uri ng ketong na mayroon ang pasyente:

Tuberculoid. Isang medyo mahinang klase ng ketong. Ang pasyenteng mayroon nito ay mayroong mangilang-ngilang mantsa sa balat (paucibacillary leprosy). Ang apektadong area ng balat ay makakaramdam ng pamamanhid dahil sa pinsala nito sa nerve na nasa ilalim nito. Itong uri ng ketong na ito ay hindi gaanong nakakahawa.

Lepromatous. Isang masmalalang ketong ito kumpara sa una. Masmalaki ang pinsala nito sa balat ng pasyente dahil sa mga bukol, rashes (multibacillary leprosy), pamamanhid at panghihina ng mga muscle. Ang  ilong, kidneys, at male reproductive organs ay maaari ring mapektuhan. Mas nakakahawa ito kesa sa tuberculoid na ketong.

Borderline. Ang mga pasyenteng mayroon klaseng ketong na ito ay pareho ang sintomas ng tuberculoid at lepromatous.  Kapag hindi ginamot ang ketong, sisirain nito ang pisikal na anyo ng pasyente, gayundin ang pakikisalamuha nito sa ibang tao dahil maaari itong magresulta sa deformity at disability. Upang maiwasan ang sakit na ito, mahalaga ang paglilinis ng kapaligiran at katawan araw-araw, maayos na nutrisyon, pag-eehersisyo, pag-iwas sa direktang paghawak sa mga pasyenteng may leprosy at ugaliing pumunta sa pinakamalapit na health center o ospital kung sakaling makaramdam ng kahina-hinalang pagbabago sa katawan o anumang sintomas.

 

 

 

 

ISANG

ITONG

KAPAG

KETONG

MASMALAKI

NITO

UPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with