Hi-heels shoes vs. orgasm ng babae

Sexy nga naman tingnan. Pero sa isang sex research na isinagawa nina Dr. Eden Fromberg ng SoHo OBGYN at sa libro ni Naomi Wolf na Vagina: A New Biography, iniulat na may negatibong epekto sa mga babae ang pagsusuot ng sapatos na matataas ang takong particular sa aspeto ng orgasm.

May mga’high end’ na sapatos na hinulma ang kurbada ng kanilang matataas na sapatos para matularan ang hugis ng spine ng mga babae o  ang kurbada ng kanilng pelvic o balakang kapag sila ay nag-o-orgasm.

Ang mga ganitong klase ng high heels na ito ay lumilikha ng contraction sa pelvic floor ng mga babae.  Nagkakaroon ng problema dahil hindi na nakakapag-contract ng higit pa ang pelvic floor sa totoong pag-o-orgasm dahil nasanay na ang bala­kang sa ganoong posisyon sa kasusuot ng mataas na takong, ayon kay Fromberg.

Show comments