^

Para Malibang

Aswang family (32)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SAKTONG pagsungaw ng buwan, ang pamil­yang nasa sagingan ay sabay-sabay na nagbago ng anyo.

Naging Kapreng bading muli si Mang Sotero; si Aling Mameng ay matandang Aswang; si Greco ay makisig na Tikbalang.

Si Shalina ay naging kaakit-akit na Mana­nanggal muli. Kahit nakapalda nang mahaba ang kaputol ay seksi pa rin, oozing with sex appeal.

HA-HA-HA-HAAA! Pumailanlang sa sagi­ngan ang malutong na halakhak ni Adwani. Ang bad fairy na ito ay aliw na aliw sa pagdurusa ng ‘Aswang Family’.

Pero nakalayo na sa dilim ang apat na biktima ng kanyang paghihiganti; hindi narinig ang halakhak.

Ang natakot sa bad fairy ay si Iskong sintu-sinto, nginig na tinakpan nito  ng dahon ng saging ang mukha.

Nasulyapan nito ang paglitaw ni Adwani; maganda ang bad fairy pero hindi type ni Isko; ang gustung-gusto ng sintu-sinto ay si Shalina—laluna ang pang-ibabang katawan ng manananggal.

Sa baliw na kamalayan ni Isko, siya ay hindi natatakot sa putol na pang-ibaba at sa pang-itaas ni Shalina.

Pero mas gusto ni Isko ang pang-ibaba ng manananggal. Naglalaway ang baliw sa makurbang balakang at makikinis na hita ng putol na babae.

Nang wala na ang bad fairy, mabilis nang nilapitan ng sintu-sinto ang nakatayong kaputol ni Shalina.

“Ikaw, Hatita, aking asawa. Ako, si Isko, iyong kabiyak. Heh-heh.” Hinawakan na naman ng baliw-baliw ang hita ng manananggal.

Napansing mahaba ang suot na palda nito. “Ayy, Hatita, ano kulay ngayon, ha?”

Inililis ni Isko ang palda, sinipat ang nasa loob. Napansin ang itim na shorts; nasilip din ang nasa loob ng shorts.

“H-hindi dilaw, puti na! Heh-heh…” Sumu­ngaw sa mga labi ni Isko ang malisyosong ngisi.

SA IBABAW ng bahay na pawid, si Shalinang Manananggal ay naligalig ng amoy ng nasa sinapupunan ng buntis. Kayhirap tanggihan ng tulad niya ang samyo ng unborn baby.

Inilawit ni Shalina ang mahaba-malasinulid na dila sa bintana ng kubo. Nakatapat iyon sa tiyan ng natutulog na buntis.  (ITUTULOY)

 

 

               

             

 

vuukle comment

ADWANI

ALING MAMENG

ASWANG FAMILY

HATITA

ISKO

MANG SOTERO

NAGING KAPRENG

SHALINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with