^

Para Malibang

Aswang family (27)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

`PATAY na si Uncle Saro, hindi makapaniwala sina Shalina at Greco na wala na ang matandang bulag na kumukupkop sa kanilang pamilya.

“Paano ho ba ang nangyari?” tanong ni Shalina. Hindi pa naitatawag sa punerarya ang pagkamatay.

Hindi makasagot ang mga magulang. Halatang balisa, naliligalig sina Aling Mameng at Mang Sotero.

“Inay, Itay, kailangan ko hong malaman… kaylakas-lakas ni Uncle Saro bago  tayo naging mga …maligno.”

“Shalina, mas maganda-gandang pakinggan ang aswang, kaysa maligno,” sabi ni Greco, napapailing.

“Ano nga ho ang ikinamatay ni Uncle Saro?” giit ni Shalina.

“Anak, sakit sa puso siguro.”

“Siguro, Inay? Bakit siguro?”

Ang boy ng matandang bulag ang nagtapat, katabi ang asong si Foxy. “Tinakot po siya ni Mang Sotero, noong naging kapre na po siya.”

Naligalig si Shalina. Kapre pala ang katauhan  ng tatay niya.

“Itay, totoo ho bang tinakot n’yo si Uncle Saro?”

 â€œHindi ako basta ordinaryong kapre, anak. Sa maniwala ka’t hindi—ginawa akong Kapreng bakla.” Napapailing si Mang Sotero. “Nagkita pa nga kami ng nanay mo—siya ang magpapatunay…”

Tumango si Aling Mameng, luhaan. “Baklang kapre ang tatay mo nang malanding binugahan niya ng usok ang uncle ko.”

“Kung basta kapre ako, hindi ko papansinin si Uncle Saro, maniwala ka, Shalina, anak.” Labis na nagi-guilty si Mang Sotero.

Napaluha na rin si Shalina, nakita ang mahirap na sitwasyon ng pamilya; naalala ang sariling problema sa pang-ibabang katawan.

Hindi malaman kung ipaaalam kay Greco at sa mga magulang.

Ipinasyang ilihim muna ang nangyari sa sagingan—kaugnay ang sintu-sintong si Isko. Hinarap ng pamilya ang pagpapalibing kay Uncle Saro. Binilinan ang boy na ilihim ang sikreto ng mag-anak.

Si Foxy, ang aso ng matanda, ay nagnguyngoy sa lamay, sa tabi ng kabaong;  sa libing ng amo ay umalulong. Awuuu. (ITUTULOY)    

                 

 

 

vuukle comment

ALING MAMENG

INAY

MANG SOTERO

SHALINA

SI FOXY

UNCLE

UNCLE SARO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with