Kilalanin ang iyong ‘secret admirer’

Wala ng iba pang masarap na pakiramdam kung hindi ang malaman na mayroong “somebody” na nagmamahal o humahanga sa’yo. Bagama’t masyado ng “advance” ang sistema ng pagliligawan sa panahon ngayon, hindi pa rin mawawala ang mga “torpe” sa eksena. Gaya ng naging problema ni Aimee, 26, dalaga, nais niyang malaman kung sino talaga ang kanyang “secret admirer” na nagpapadala sa kanya ng mga regalo at bulaklak. Narito ang ilang paraan:

Hanapin ang “secret admirer” – Tiyakin mo muna kung sino ang posibleng tao na humahanga o nagmamahal sa’yo ng lihim. Hindi maaaring managinip ka ng gising at papaniwalain mo ang iyong sarili na ang isang lalaki ay iyong tagahanga. Dahil tiyak na madidismaya ka lang kung madidiskubre mong hindi naman pala humahanga sa’yo ang lalaking ito.

Mag-imbestiga – Suriin mo ang mga regalo o bulaklak na iyong natatanggap at kung paano ito ipinapadala sa’yo. Maaari mong tingnan ang sobre kung nakatala dito kung sino ang “sender”, lalo na kung ang ipinadala sa’yo ay bulaklak, puwede mong puntahan ang “flower shop” na kanyang pinagbilhan at itanong kung sino ang bumili ng nasabing “item” sa kanila.

Sulat – Kung sulat naman ang kanyang ipinadala, suriin mo ang “penmanship” o sulat-kamay ng mga taong nakapaligid sa’yo. Kung madidiskubre mo, kumpirmahin ang iyong hinala sa inyong kapwa kaibigan.

Kaibigan – Minsan sa tuksuhan ng mga magkakaibigan ay may madidiskubre ka na rin. Pakinggan at obserbahan kung sinu-sino ang mga taong itinutukso sa’yo dahil tiyak na isa sa kanila ang iyong “secret admirer”.

 

 

Show comments