Alam n’yo ba na tinatawag din na “Yellow Revolution†ang sikat at pinagdiriwang na EDSA Revolution noong 1986? Ito ay dahil habang paparating si Senador Benigno Aquino Jr., sa bansa at nagaganap ang rebolusyon ay nagkalat at nakasabit din ang mga dilaw na laso o ribbon sa iba’t ibang panig ng bansa lalo na sa Metro Manila. Isinagawa ang rebolusÂyong ito dahil sa panawagang putulin na ang 20-taong panunungkulan ni dating pangulong Ferdinand Marcos. Nilahukan ng dalawang milÂyong Filipino ang nasabing protest. Tinawag itong EDSA revolution dahil sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue naganap ang demostrasyon.