^

Para Malibang

Aswang family (18)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

INIHIGA  ni Aling Mameng sa kanyang bulag na tiyuhin ang pangamba. “Uncle Saro…kami hong buong pamilya—tuwing pagbibilog ng buwan--magiging mga aswang…”

Napaigtad ang bulag na tiyuhin. “Sino’ng may sabi, Mameng?”

“Si Adwani po.” “Nagbalik si Adwani?”

Tumango ang asawa ni Mang Sotero. “Batambata siya, gaya noong ma-in love sa kanya ang mister ko…Ngayo’y nagalit siya dahil ang kanyang bagong mangingibig, si Greco, ay napangasawa ng anak kong si Shalina…”

Dinitalye ni Aling Mameng ang mga pangyayari.

“Kaya nga po, Uncle Saro, bilang ganti ni Adwani sa dalawang beses na kabiguan sa pamilya namin ni Sotero, gagawin daw kaming aswang…”

“A-At naging tikbalang na ‘ka mo ‘yung Greco, bilang sample?”

Luhaang tumango  si Aling Mameng. “Hindi ko po matanggap, Uncle Saro…napakasama ni Adwani.” Nagngalit ang bagang ng matandang bulag. “Kung nakakakita lang ako, Mameng, kaya kong gapiin ang masamang diwatang iyon.” “Kabilugan na ng buwan bukas, uncle.”

“Naidulog mo na ba sa pari ang problemang ito, Mameng?”

“Hindi pa po.” “Kayong mag-anak, makipagkita sa pari sa poblasyon.”

“Paniwalaan po kaya kami, kahit walang kongkretong ebidensiya?”

“Mameng, kumunsulta muna kayo sa alagad ng Diyos.”

IBA ang pasya ni Mang Sotero para sa pamilya. “Kayong dalawa ni Shalina, Mameng, ikakadena ko sa silong nitong bahay na bato…”

“At paano kayo ni Greco?”

“Mameng, kami naman ni Greco, ikakadena ng boy ni Uncle Saro sa puno ng mangga sa likod-bahay…

“Kung magkakatotoo mang tayo’y magiging aswang, hindi tayo makakapaminsala—dahil mga nakakadena tayo.”

Bumili sina Greco at Mang Sotero ng malala­king kadena sa hardware. Sa tulong nga ng binatilyong alalay ni Uncle Saro, ang magbiyenang lalaki ay naigapos din ng kadena ilang minute bago naging full moon.

Sina Aling Mameng at Shalina ay nakakadena na rin. ITUTULOY

vuukle comment

ADWANI

ALING MAMENG

BRVBAR

KAYONG

MAMENG

MANG SOTERO

SHALINA

SI ADWANI

UNCLE SARO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with