^

Para Malibang

May anak sa pagkadalaga

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ten years na kaming hiwalay ng aking asawa dahil sumakabilang bahay siya. Balita ko may anak na siya sa babae niya. Ngayon po ay may nakilala akong fo­reigner na nasa US at willing akong pakasalan. Single siya at walang anak. He told me he loves me more than himself. His words are sincere kaya pumayag naman po ako. Ang problema ko, hindi niya alam na single mom ako. Kasi noong nag-uusap kami hindi niya tinanong ang tungkol dito. Tinanong lang niya ko from my past at sinabi kong I got 2 men in my life. Nagkakilala kami sa isang ads at nag-chat. Nagkakitaan kami sa webcam at lagi na kaming nag-uusap almost 1 year na kami at gusto niya magpakasal kami. 

Wala akong intensiyon na lokohin siya pero mahal ko rin siya. Ayaw ko siyang mawala kaya hindi ko pa sinasabi sa kanya ang katotohanan hanggat hindi kami nagmi-meet personally. Ano ang dapat kong gawin? - Minyang

Dear Minyang,

Simple lang ang problema mo. It’s just a matter of telling him na may anak ka. Pero natatakot ka na magtapat at baka umatras siya. Huwag kang mag-alala. Kung mas mahal ka niya kaysa sarili niya, hindi magiging hadlang kahit isang dosena pa ang anak mo. Dito mapapatunayan kung hanggang saan ang pagmamahal niya. Kaya mas mabuti na habang maaga ay wala kang lihim na itinatago dahil magiging malaking problema iyan habang nagtatagal.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANO

AYAW

DEAR MINYANG

DEAR VANEZZA

DITO

HUWAG

KAMI

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with