Ang iyong dugo (20)

Mga epekto ng gastro-intestinal

• Pagkaliyo, pagsusuka at pagkawala ng gana sa pagkain

• Ulser sa bibig at masakit kung lumunok

• Malambot na tae at malimit dumumi

natitibi

• Pagbabago ng panlasa.

Mga epekto sa buhok 


Ang pansamantalang pagkalugas ng buhok (kasama na ang buhok sa katawan) ay karaniwan ngunit sa ibang gamot ito ay walang masamang bisa. Ang buhok ay palaging tutubong muli kung natapos na ang pagkekemoterapeutika.


Mga epekto sa fertility


Maaaring gawing baog ang babae at lalaki ng chemotheraphy. Ngunit may mga kaso na ang mga pasyente ay nagkakaroon pa ng anak at ang ganitong opsiyon ay kailangang pag-usapan sa doktor o espesyalistang nars.  Ang mga babaeng may regla ay maaaring magkaroon ng di-regular na regla o tumigil muna ito. Ang maagang pagtigil sa pagreregla ay maaaring mapadali sa mga may edad na mga babae. Ang pagbubuntis ay maaaring mangyari, ngunit hindi ito ipinapayo ng doktor. Ang mga gawain sa pagkontrol sa pagbubuntis ay dapat pag-usapan sa isang hematologo.

Mga huling epekto

Sa matagal ng nakaligtas sa sakit, may panahong nagkakaroon ng dagdag na panganib na magkaroon ng ibang kanser, dahil siguro sa chemotheraphy at radiotheraphy. At saka, ang paggagamot ay maaaring maging dahilan ng mababang IQ sa mga bata. Ang mga bagay na ito ay dapat pag-usapan sa isang doktor na klinikal.

Show comments