Ang hagdan na mataas ang ‘STEPS’

Correction: Ang tamang title ng artikulo kahapon ay: Scent na Nakakabawas ng Gana sa Pagkain, at hindi Nakakahawa.)

*  *  *

Ang hagdan na may steps na seven inches or more ang height, ay nagdudulot ng hirap sa pag-akyat at nakakatanggal ng balanse pagbaba. Upang hindi maranasan  ang negatibong pakiramdam, hindi dapat lalampas sa 6 inches ang height ng steps. Ano ang ‘cure’ sa steps na sobrang mataas?

1---Magdispley ng naakakaaliw na  photograph, o poster sa dinding katabi ng hagdanan upang doon maibaling ang pansin ng taong umaakyat/bumababa sa hagdanan.

2---Magsabit ng bagay na gumagalaw sa itaas katapat ng hagdanan—mobile or windchime.

3—Magdispley ng brightly colored artwork sa dinding na may kasamang magandang quotation sa bandang itaas or landing ng hagdan.

Ano ang hagdanan na nakakasira ng pagkakaisa ng pamilya?

Ang hagdanan na nakikita kaagad kapag ang isang bisita ay nakatayo pa lang sa tapat ng front door at hindi pa totally nakakapasok sa bahay. (Bukas: Ang cure sa ganitong klaseng hagdanan.)

 

 

 

Show comments