Hindi nai-save ang marriage

Dear Vanezza,

Itago nyo na lang ako sa pangalang Glyn. Two months na kaming hiwalay ng husband ko dahil nalaman ko na may babae siya. Gusto ko pa sanang i-save ang aming marriage pero nagpasya akong maki­paghiwalay na. Ang problema ko ay ang aming 3 anak. Hinahanap nila ang kanilang ama. Ano ang gagawin ko?

Dear Glyn,

Sadyang  masakit sa isang babae na ipagpalit sa iba, gayundin din naman sa part ng lalaki kung magka-other woman ito. Sa ganyang kaso laging may dahilan. Nasa sa’yo ba ang depekto kaya siya nambabae? Hindi ka naman ba nagkukulang sa kanya sa ano mang bagay kaya naghahanap siya ng pagmamahal ng iba? Pero syempre, kung ang isang lalaki ay may takot sa Diyos at mahal niya ang kanyang pamilya, mapag­lalabanan niya ang tukso. Kung sa palagay mo ay hindi mo na siya talaga mahal at wala ng second chance, pag-usapan na lang ninyo ang kapakanan ng mga bata na siyang higit na maaapektuhan ng inyong paghihiwalay.

Maging matatag ka dahil mag-isa mong palala­kihin ang inyong 3 anak.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments