Natutulog na mga tigre

Panaginip: Pagpasok ko sa aming gate ay mayroong natutulog na mga tigre sa aming garden. Dahan-dahan akong pumasok dahil natatakot akong magulat sila at bigla akong lapain. Pagkapasok ko sa bahay, ini-locked ko ang lahat ng pintuan at bintana. Natatakot akong makapasok sila.---3M of Baguio City

Interpretation: Ang tigre ay simbolo ng iyong kaaway na mas makapangyarihan kaysa iyo—halimbawa, mas mayaman siya o mas mataas ang kanyang posisyon sa trabaho kaysa iyo. Puwede rin karibal sila sa pag-ibig o pulitika. Pansamantala lamang ang kanilang pananahimik. Ito ang isinasaad ng kanilang pagtulog.

Show comments