Ito ay huling bahagi ng paksa hinggil sa mga pagkaing masustansiya naman ngunit mapanganib din sa ibang bahagi ng ating katawan lalo na kung hindi mo agad ito mabibigyan ng pansin. Narito pa ang ilan:
Citrus fruits - Mga prutas na maaasim. Makakakuha ka ng vitamin C sa pagkain ng mga maaasim na prutas. Ngunit kung ikaw ay acidic maaaring magdulot ito sa’yo ng sakit at kung hindi rin agad iinom ng tubig, magiging sanhi pa rin ito ng pagkabulok ng ngipin. Maging ang mga juices na may iba’t ibang uri ng flavor ay dapat na hindi rin palagiang inumin ang mga ito dahil mawawalan ng pagkakataon ang iyong laway na magtrabaho sa iyong bibig at natural na hugasan ang iyong mga ngipin.
Dried fruits – Mas malala ang masamang naidudulot ng pagkain ng dried fruits sa iyong ngipin. Bukod kasi sa malagkit ito sa ngipin, matamis pa ito. Magkaiba na kasi ang dami at uri ng sugar sa isang prutas kapag ito ay ginawa ng dried. Kaya kung kakain nito, mabuting agad na magsipilyo upang hindi na manatili ng mas matagal na oras sa iyong bibig ang mga sugar na dulot ng dried fruits.