First Vowel sa Pangalan

1. First Vowel A (Ex:Jamie, Amy, Andy, Anna)

Characteristic: Tumatayo sa sariling paa

Description: Ito ang mga taong mahilig mag­hanap ng katotohanan. Sila ay masipag. Pipilitin nilang malapit sa ‘perfect’ ang  resulta ng lahat ng ginagawa nila. Kaunti lang magkamali, feeling nila ay bigong-bigo sila. Kailangang purihin sila o kaya ay tapikin sa balikat upang maipagpatuloy nila ang kahusayan sa kanilang trabaho. Hindi makakatulong sa kanila ang pagpapamukha ng kanilang kapintasan dahil lalo lang silang magrerebelde.

 2. First Vowel E (Ex:Drew, Ethan, Eva, Elaine) 

Characteristic: Positibo lagi ang tingin sa buhay

Description: Kung bibigyan ng pagkakataon, ay type nilang maging detective. Mahilig silang tumuklas ng mga misteryosong pangyayar. Mahilig din sila sa Numero­logy. May pagka-usisero rin sila. Halimbawa at nakakita sila ng taong grasa, nagkakaroon siya ng interest na interb­yuhin ito para malaman ang istorya ng kanyang buhay.Maporma sila dahil gusto nilang ma­ging maganda sa tuwina. May tsansang maging mahusay na stylist dahil may talent din sila sa pagpapaganda ng ibang tao. Hate niya ang mga dominante. Itutuloy

Show comments