MAKARAAN ang napakaraming oras ng hiyaw at daing ng mga taga-ibang planeta, biglang parang sementeryo sa katahimikan ang buong lunsod.
Tanaw nina Jake at Monica ang hindi na mabilang na patay na aliens, sa mismong tuktok ng gusaling kinatatayuan nila-- bilang estatwang buhay.
“What now, MoniÂca? Posibleng nagsitakas na ang mga nalabing aliens—siguro’y lumabas sa ibang butas at nagbalik sa sarili nilang planeta…Puro patay na lang ang narito,†malungkot na pahayag ni Jake.
Napaluha si MoniÂca. “Dito na tayo mamamatay, Jake…â€
“Dito tayo mamamatay sa baho,†nais idugtong ni Jake. Nagsisimula nang maÂngamoy ang bangkay ng mga aliens.
Pitong araw at gabing nagdusa sina Monica at Jake sa nakasusulasok na amoy ng mga nabubulok. Sa ikawalong araw, tuluyan na silang nag-pass out—nawalan ng malay-tao.
EWAN kung gaano katagal silang unconscious. Basta nang magbalik ang kanilang malay, sina Jake at Monica ay inililipad na ng dalawang sumaklolo—palabas sa napakalalim na butas.
At nakapagsasalita na sila, nakagagalaw, buhay na bilang tao.
Hindi nila mapaniwalaan na sila’y nasa presensiya ng dalawang rescuers na mula sa Kaitaasan, mga sugo ng Diyos.
Napaluha ang magkasintahan, sa galak. “Jake…m-mga anghel ang nagliligtas sa atin…â€
“Oo, Monica. Dadalhin nila tayo sa itaas ng butas—sa kalupaan…â€
Kahit nalulunod sa kadakilaan ng mga sandaling iyon, nagawang kausapin ni Monica ang kanyang anghel. “Pakisabi po kay Lord ang labis naming pasasalamat sa Kanya.â€
Nginitian lang siya ng anghel.
MATAGAL nang nailibing si Doktora Nuñez; ang pagbangon ng Antukin at ng buong isla ang tinututukan na ng pamahalaan.
Naging sensational news hanggang Amerika at Europa ang karanasan nina Monica at Jake. Gayunma’y nanatiling isang hiwaga ang sibiÂlisasyong itinatag ng aliens sa ilalim na butas na lupa.
Walang naniniwala kay Monica na meron siyang mga duplikado, clones, na likha ng aliens—na kahalubilo ng tao.
Walang naniwalang amoy ng bagoong ang pumatay sa aliens. Wakas
(Up Next: ASWANG FAMILY)