Paano siya pasunurin?

May mga pagkakataong nahihirapan si misis na pasunurin si mister sa kanyang mga gusto. Minsan pakiramdam ni misis ay kailangan niya pa na magmakaawa kay mister para lang siya tulungan sa anumang bagay. Ngunit ang hindi alam ng mga misis may mga paraan para mapasunod nila si mister ng buong puso. Narito ang ilang hakbang para gawin ito.:

Alamin ang kanyang personalidad – Ang iyong mister ba ay tipo ng lalaki na maituturing na “outgoing” kaya naman madalas ay nakakalimutan niya ang mga bagay na ibinibilin mo minsan.  Kung ganitong uri ang iyong mister, kinakailangan mong isulat ang lahat ng iyong ibinibilin sa kanya para hindi ka madismaya sa kanya.

Bigyan siya ng reward – Kung ang mga babae ay gustong-gusto na nireregaluhan, ganun din ang mga lalaki, lalo na kung mayroon silang natapos na gawain o trabaho na nagbigay ng karangalan para sa kanila. O kaya ay isang simpleng gawain na tingin ng iba ay hindi niya kayang gawin pero natapos niya ito. Mahalaga din sa kanya na purihin ang kanyang ginawa at pasalamatan siya dito.

Hindi mo naman kailangan na magalit at bungangaan ang iyong mister kung hindi niya nasusunod ang iyong mga bilin. Tandaan mo lang kung ano ang kanyang personalidad ay matutunan mo na rin ang mag-adjust para siya ay mapasunod mo.

 

Show comments