Alam n’yo ba na ang “Bidis†ay isang uri ng sigarilyo na ang dahong ginamit ay ibinalot lamang sa isang papel at tinali ng sinulid. Ito ay inaangkat mula sa India at tinatangkilik ng mga kabataan sa ibang bansa dahil sa mas mura ito kumpara sa mga sigarilyong nasa merkado. Gayunman, mas mapanganib na gumamit nito dahil ang taglay nitong nicotine ay pitong beses kumpara sa tunay na sigarilyo. Kaya naman mas agad na makakakuha ng cancer ang mga kabataang gumagamit nito. Mabilis din na nakakaadik ang sigarilyo nito dahil sa napakataas na nicotine.