^

Para Malibang

Ang iyong dugo (9)

BODY PAX - Pang-masa

Ang Chronic leukaemia ay nakikita kung ang lukemya ay nakakaapekto sa ‘magulang na’ na mga selula. Kalimitan, ganito ang normal nilang gawain, at anemya, pagdudugo at impeksiyon ay hindi halos nangyayari. Ang mga pasyenteng ito ay hindi palagiang nangangailangan ng dagliang panggagamot at ang ilan ay maaaring hindi mangailangan kailanman ng panggagamot. 
Ang mga lukemya ay maaaring miyeloyd o limpoyd. 
Kung naaapektuhan ng lukem­ya ang mga selula sa huli ay magkakaroon ng mga pleytlet, mga pulang selula ng dugo, mga granulosites at monosites, tinatawag itong miyeloyd (myeloid), miyelositik (myelocytic), miyelodyenos (myelogenous), o granulositik (granulocytic) na lukemya. 
Kung naapektuhan ng lukemya ang mga selula na nakahandang maging limosites, tinatawag itong limpoblastik (lymphoblastic), limpoyd (lymphoid), limpositik (lymphocytic), o limpatik (lymphatic) na lukemya. 


Acute lymphoblastic leukaemia – ALL. Tinatawag din na acute lymphocytic o acute lymphatic leukaemia). Ang uring ito ng lukemya ay siyang pangkaraniwan sa mga lukemya sa pambata, ngunit nakikita rin ito sa mga matatanda. 
Ang abnormal na mga selula (ALL) ay mga murang limposites – na mga puting selula ng dugo ng uring limpoyd kaya tinatawag itong mga limpoblast (lymphoblasts). 

Ang ginagawa ng limposites ay protektahan ang katawan laban sa impeksiyon. Kung ang bone marrow ay apektado ng ALL, ang paggawa ng panlaban na mga selula ay nababawasan, at ang maselang impeksiyon ay maaaring mangyari. At saka, maaaring siksikin at paalisin ng lukemya ang mga pleytlet at pulang dugo na gumagawa ng selula.

Gamot: Ang uring ito ng lukemya ay kadalasan maaaring epektibong gamutin sa pamamagitan ng pinagsamang chemotheraphy.

GAMOT

KALIMITAN

LUKEMYA

MAAARING

SELULA

TINATAWAG

UML

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with