Sa ‘MALAMIG’ na panahon, ‘PAG-INITIN ang relasyon

Ang relasyon ay parang panahon, sa umpisa ay mainit, kapag  naglaon ay lumalamig.

Ngunit sa panahong ‘lumalamig ang relasyon, narito ang ilang tips ng men’s health.com para muling ‘mag-init’ ang inyong pagsasama.

‘Makipag-laro’

Palakasin ang Dopamine level ng iyong partner. Ang dopamine ang responsible sa lahat ng  ‘sinful behaviors’ ng isang tao. Ito ay neurotransmitter at chemical messenger na tumutulong sa pagpapasa ng signals mula sa utak patungo sa ibang bahagi ng katawan.

Ang paglalaro o kompetisyon ay nagpapataas ng pagre-release ng dopamine.

Sumali sa mga kompetisyon, liga, torneo o marathon na puwede kayong magkasama. Maraming ring benepisyo ito sa inyong relasyon.

Laging magtabi

Natuklasan ng mga researchers na ang lahat ng nilalang ay naa-adik sa kanilang partner. Ito ay dahil sa oxytocin. Ang hormone na ito ay panlaban sa stress at nagpapataas ng arousal (ito ay inire-release sa orgasm). Kaya  Dalasan ang ‘physical contact’ (yakapan, lam­bingan). Subukan din ang muscle massage para lumabas ang oxytocin.

Show comments