Alam n’yo ba na ang Oreo ang pinakamabentang cookie sa America? Ang Nabisco, kompanyang gumagawa nito ay nakapag-produced ng 16 bilyong Oreo cookies noong 1995 sa pabrika nito sa Chicago, Illinois, kung saan ito rin ang kanilang pinakamalaking pabrika sa buong mundo. Ipinakilala ang Oreo noong 1912 para kumpetensiyahin ang Hydrox Biscuit Bonbons. Ang New England Confectionery Company (NECCO) ang pinakamatandang pabrika ng candy sa Amerika kung saan ito ay itinayo noong 1847.