May mga karamdaman na minsan ay hindi mo masyadong pinapansin dahil sa pag-aakalang ito’y simpleng sakit lang at malayo naman maÂging dahilan ng iyong maagang kamatayan. Pero, sa totoo lang mayroong mga simpleng sintomas ng sakit na hindi mo alam ay sintomas pala ng matinÂding problema sa kalusugan gaya ng pagkakaroon ng sakit sa puso. Narito ang ilang simpleng sakit na hindi mo dapat ipagwalangbahala:
Migraine – Kung palaging nakakaramdam ng pananakit ng ulo o dumaranas ng migraine at halos maapektuhan na nito ang iyong paningin? 50% ay posiblidad na atakihin ng sakit sa puso. Mas lalong maalarma kung inaatake ng migraine isang beses linggo-linggo, mas dapat mabahala dahil mas mataas ang porsiyento na ikaw ay may sakit sa puso. Kapag ganito ang sitwasyon, mas mabuting agad na kumunsulta sa doctor at magkaroon ng malusog na diet at umiwas sa mga pagkaing may mataas na cholesterol.
High blood pressure – Noon, malaki ang pagtataka ng mga doctor bakit magkadugtong ang sakit na high blood pressure at diabetes. Matapos pag-aralan ang 38,000 kababaihan sa loob ng 10-taon, nadiskubre sa pag-aaral sa Brigham and Women’s Hospital at sa Harvard Medical School, kapag tuloy-tuloy ang pagtaas ng iyong blood pressure, mas nadodoble ang panganib ng pagkakaroon ng sakit na diabetes. Kaya kung palaging mataas ang iyong alta presyon, dapat na agad ipasuri ang iyong sugar level para maiwasan na kapitan ng diabetes. Dapat na ayusin din ang iyong life style lalo na sa pagkain at iwasan ang bisyo at pagpupuyat. (mula sa www.prevention.com)