Dear Vanezza,
May bf ako at 2 years na kami. Nasa abroad siya, pero pagbalik niya sa Pinas ay pakakasal na kami. Madalas niyang sabihin na mahal niya ako kapag tumatawag siya pero ang problema ko ay lagi niya akong pinagdududahan lalo na kapag hindi ko nasasagot ang calls niya dahil busy ako sa work. Minsan pinagbibintangan niya ako ng kung anu-ano kahit wala akong masamang ginagawa. Madalas din niya akong ikumpara sa mga dati niyang gf na niloko siya. Pero iba ako sa kanila. Mula ng ligawan nya ako at maÂging kami ay naging faithful ako sa kanya. Ang masakit pa, sinisiraan ako ng kanyang pamilya sa kanya. Natatakot ako na baka maniwala siya sa mga ito at mawala ang tiwala at pagmamahal niya sa akin. Pinagre-resign na rin n’ya ako sa trabaho ko at huwag na raw akong makipag-communicate sa mga friends ko at officemates. Pero hindi ako pumayag dahil ito ang bread and butter ko. Minsan gusto ko ng i-give-up ang relasyon namin. Paano ko ipaiintindi sa kanya na mahal ko ang trabaho ko at mga kaibigan ko? - Rosy
Dear Rosy,
Ang pagseselos kung nasa lugar ay palatandaan na mahal ka ng isang tao. Kaso kapag sumobra ito ay nakakasira ng relasyon. Kung minsan nga, ang tao ay nagiging violent dahil sa labis na pagseselos na wala sa lugar. Posibleng ang sinasabi mong paninira sa iyo ng mga kaanak ng iyong bf ang dahilan kung bakit ganun-ganun na lang ang pagseselos niya. Kung totoong mahal ka niya hindi siya dapat maniwala sa sabi-sabi. Kaya pag-isipan mong mabuti. Siguro mahal mo siya pero itanong mo sa sarili mo, liligaya ka kaya kapag lagi siyang ganyan? Mabuting pag-usapan ninyo ang problema habang hindi pa kayo kasal para walang pagsisihan sa dakong huli.
Sumasaiyo,
Vanezza