“HINALAW mo lang ‘yang kuwento mong nag-apoy ang dila mo, dahil kuno sa halik, sa kantang ‘Kiss Of Fire’, di ba, bro?†nang-iinsultong sabi ng chief engineer kay Jake. “Sa totoo lang, nakakaistorbo ka na.â€
Ipinagtanggol naman kahit paano ni Doktora Nuñez ang binata. “Mr. engineer, huwag ka namang ganyan. Photo-journalist itong iniinsulto mo, hindi kung sino lang tao.â€
Umiling-iling lang ang mayabang na inhinyero ng munisipyo. “Basta tuloy ang pagtatakip namin sa butas. Bahala kayo sa paniwala ninyo. No comment na lang ako diyan.â€
Inutos nito sa mga tauhan na ituloy na ang trabaho. Tatakpan nang tuluyan ang bunganga ng butas na lupa.
“Doktora, this is insane! Tuluyan nang makukulong sa ilalim si Monica! Nadarama kong buhay pa siya!â€
“Jake, may utos na sinusunod sina engineer…wala tayong pinanghahawakan na meron pang buhay na tao sa ilalim…â€
Tumigas ang mukha ng binata. “At paano na si Monica, ha, doc? Pababayaan ko na lang hindi kami magkita forever?â€
Nagkibit-balikat ang doktora. Ano ba raw ang kanilang magagawa? Legal ang gagawin ng engineering team.
“Hintay po, chief engineer! Tatanawin ko lang sa huling sandali ang loob ng butas! Magpapaalam ako kay Monica!â€
Pinagbigyan naman si Jake; hinayaan itong sumilip sa bahaging hindi pa natatakpan ng concrete slab.
Nakadukwang sa butas si Jake, hirap ang kalooban.
Ang doktora’y kinakabahan; ang chief engineer ay nakokornihan sa arte ng binata.
“MONICA, HINDI KITA PABABAYAAN!†sigaw ni Jake, mula sa puso at damdamin.
Nakakabigla ang sumunod na ginawa ni Jake. “NANDIYAN NA AKO, MONICAAA!â€
Bago pa namalayan ng lahat, nakalundag na sa butas na lupa si Jake.
Yanig sa pagkabigla ang doktora; ang chief engineer ay napaigtad, kinilabutan. Tanaw nito ang pagbulusok ni Jake sa napakadilim na butas.
Napaluha ang doktora. “Wala silang iwanan ni Monica.†ITUTULOY