Ang bag at ang iyong bahay

Maraming kababaihan ang gustung-gusto ang malalaking bag, ito ay dahil napakarami nilang bitbit sa araw-araw. Halos ilagay nila ang laman ng
buong bahay nila dito. Kung mapapansin mo, kahit estudyante o propesyunal na babae ay karaniwang malalaking handbag ang kanilang
bitbit sa kanilang balikat. Pero, sa isang pag-aaral ng isang surgeon na si Dr. David Golden, ang pagdadala ng malaki at mabigat na bag ay
katulad din ng pag-eehersisyo ng sobra-sobra. ‘Yun lang hindi nababawasan ang iyong timbang sa pagbibitbit ng mabigat na bag kumpara
sa pag-eehersisyo. Narito ang ilang hakbang na dapat gawin ng mga kababaihan para gumaan ang laman ng kanilang bag:

Maglinis – Bakit hindi mo gawing habit ang paglilinis ng loob ng iyong bag bago ka matulog? Magugulat ka na sa loob pala ng iyong bag ay
napakaraming basura na dapat mong itapon para gumaan ang iyong bag.
Makikita mo kasi na tatlo-tatlo pala ang iyong ballpen, 10 pala ang planner mo at mayroon kang apat na bote ng sanitizer. Sa tingin mo ba
sabay-sabay mong magagamit ang mga ito? Bakit hindi mo na lang alisin ang iba at magtira lang ng maaari mong gamitin, hindi ba?
Maliit na bag – Siyempre, kung maliit ang bag mo, mapipilitan kang magdala lang ng maliliit din na gamit na tiyak na magiging magaan para
dalhin mo.

Dalawang bag – Kung sa tingin mo ay nadala mo ang pagiging girl scout mo noong ikaw ay elementary pa lang na kailangan mong magdala ng swiss
knife at sewing kit at ang lahat ng ito ay pinagkakasya mo sa iyong malaking bag. Mas makabubuting magdala ng isang maliit na kikay bag at
doon ilagay ang mga ganitong uri ng bagay. Sa pamamagitan nito, mahahati ang bigat ng iyong bag at hindi mabubugbog ng husto ang iyong
balikat o ang iyong kamay.

 Lahat halos ng babae ay may paboritong balikat na pinahihirapan araw-araw sa pagdadala ng mabigat na bag. Bakit hindi mo
rin bigyan ng trabaho ang isa mo pang balikat para naman nakakapahinga ang paborito mong balikat sa bigat ng iyong bag?

Show comments