2014 FENGSHUI TIPS: Snake

WEALTH & CAREER: Malaki ang tsansa na lumaki ang kinikita. Magiging magaan ang daloy ng pera. Maglagay ng tubig na may asin sa East corner ng bahay upang makontra ang negative energy, gayun din sa Northwest kung saan mainam magsabit ng windchime na may 6 or 8 hollow metal tubes or bells.

LOVE: Good luck sa lovelife ngayong 2014. Magkaganoon pa man, magdispley ng alinman sa mga sumusunod sa salas: peony flowers (if single); romantic art, rose quarts hearts, or tradisyunal na Chinese feng shui cures kagaya ng Double Happiness sign or the Mandarin ducks.

HEALTH: May posibilidad na makaranas ng problema sa kalusugan. Magdispley ng halaman sa salas kagaya ng bamboo plants. Magtanim ng halaman sa paligid ng bahay. Kung walang bakanteng space, sa paso magtanim at palibutan ang bahay ng mga halaman. Gumamit ng crystals bilang jewelry upang mapa­lakas ang iyong energy: jasper, carnelian, malachite at tourmaline. Ang wu lou pendant ay ma­buting personal amulet para sa good health.

 

Show comments