Kontrahin ang mga Inggitera

Kahit anong dahilan kung bakit ka kinaiinggitan ng ibang tao, kailangan mong tunawin ang masama niyang feelings sa iyo. Paraan:

Kailangan mo ay 2 pirasong kalamansi: bagong bili, sariwa at berdeng-berde ang kulay. Huwag huhugasan. Tig-isang hawakan ng kamay ang 2 kalamansi. Paikutin ang kalamansi sa iyong mga palad. Habang pinaiikot mo sa iyong palad ang kalamansi ay paulit-ulit mong sabihin sa iyong sarili ang mga sumusunod for 10 minutes: “Ang lahat ng masamang ginagawa sa akin ni (pangalan ng kaaway) ay nahihigop ng kalamansing aking hinahawakan.”

Itapon sa kanal na may umaagos na tubig o ilog ang 2 ginamit na kalamansi sa ganitong pamamaraan—tumalikod ka sa ilog o kanal na pagtatapunan ng kalamansi. Ang isang kalamansi ay itapon nang patalikod sa iyong kanang balikat at ang isa ay itapon din nang patalikod sa iyong kaliwang balikat. Huwag mong lilingunin ang mga kalamansing itinapon. Umalis at isiping hindi ka na iintrigahin. Maligo gamit ang tubig na hinaluan ng asin bilang pangbanlaw sa iyong katawan.

Ang ritwal na ito ay ginagamit din sa mga namatayan ng mahal sa buhay upang hindi sila masyadong  magdamdam.

 

 

 

 

 

Show comments