Dear Vanezza,
Itago mo na lang ako sa alyas na Iyah, may asawa at isang anak. Napapansin ko na nawawalan na ng init ang aking asawa tuwing kami’y ay nagtatalik. Hirap na hirap na rin siyang makaraos. May pagkakataon na ikinagagalit niya ito kung kaya ang pinakamasayang sandali namin sa isa’t isa ay nauuwi sa pag-aaway. Hindi naman po ako mapaghanap dahil kuntento na ako na masaya ang aming pamilya. Pero batid ko pong big deal ito sa aking asawa. Nais ko pong malaman kung ano ang posibleng problema niya at kung may paraan ba para maremedyuan ito?
Dear Iyah,
Kabilang sa pangkaraniwang dahilan ng pananamlay ng isang lalaki sa pakikipagtalik ay ang pagkakaroon ng sakit na diabetes. Naaapektuhan kasi ng sakit na ito ang sirkulasyon ng dugo kaya posibleng manlupaypay ang lalaki sa panahon ng pagtatalik. Ang pinakamabuti mong magagawa ay ikonsulta sa doctor ang nararamdamang sintomas ng iyong asawa para malaman mo ang estado nito at magawa agad ang kaukulang hakbang para ito ay maagapan nang sa gayon ay hindi tuluyang makapinsala sa kanyang mga vital organs.
Sumasaiyo,
Vanezza