Pagkatapos ng ‘sex’...

Pagkatapos ng sex, may kanya-kanyang habit ang bawat tao. Ngunit narito ang iba’t ibang ba- gay na dapat gawin after sex para makatulong sa inyong relasyon.

Maglambingan - Pagkatapos ng sex, ito ang oras na punung-puno kayo ng intimacy. Ito ang pagkakataon para pag-usapan ang mga pinaka- intimate na usapin ukol sa inyong relasyon. Huwag nang lumayo sa mga topic na tungkol sa inyong dalawa.. masisira lang ang mood kapag mauuwi ang usapan sa politika, relihiyon at iba pa.

Movie magic - Magandang ideya ang pano- nood ng pelikula pagkatapos mag-sex. Pagka- kataon mo nang mapanood ate ang mga gustong romance movie na katabi siya o di kaya ay mga comedy dahil posibleng hindi magreklamo si kuya. Parang bonding n’yo na ito.

Simpleng inuman - Matapos ang intesibong sex, mare-relax ang katawan sa isang bote o isang basong inuming beer o alak. Sigurado ring mapa- pasarap ang tulog sa pinagsamang konting alak at konting yakap.

Maglinis - Huwag naman agad linisin ang ‘ka- lat’ dahil baka isipin niya ay hindi ka nag-enjoy. Pero kung tapos na at nanamnam na ang ‘ligaya,’ marapat lamang na punasan ang ‘kalat’ hubarin at itapon ng maayos ang condom. Maganda ring ideya ang sabay kayong maligo.

Matulog ng mahimbing - Pagkatapos ng sex, kailangang sundutan ng tulog. Huwag naman agad-agad. Lambingan muna bago matulog. Ganun talaga, pagkatapos ng sex, pagod kaya nakakatulog.

Show comments