Pagkirot ng puson at pagbabago sa panahon ng pagdating ng regla; bagaman, sa kadalasan, walang mga sintomas na nararanasan ang babaeng mayroon nito. Nababawasan ang pagkakataon na magkaroon ng myoma sa matris kapag dati nang nakapagdalangtao ang isang babae. Nakapagpapababa rin ng tsansa ng pagkakaroon ng myoma sa matris ang paggamit ng mga pill na tinatawag na combined oral contraceptive pill (COCP), mga pildoras na nakapagpipigil ng pagbubuntis o ng pag-aanak.
Ang fibroids ay maaaring tumubo ng single tumor o kumpul-kumpol. Ang isang fibroid ay maaaring mas maliit ng 1 inch ang laki ngunit puwede itong lumaki ng 8 inches o higit pa. Ang kumpol na fibroids ay maaaring iba-iba ang laki. Karaniwan, tumutubo ang fibroids grow sa childbearing age ng mga babae.
Hinati ng mga doctor ang fibroids sa tatlong grupo base sa kung saan ito tumutubo.
Ang unang grupo ay ang mga tumutubo sa ilalim ng lining ng uterus ang ikalawang grupo ay tumutubo sa pagitan ng muscles ng uterus at ang huli ay ang mga tumutubo sa labas ng uterus.
Karamihan sa mga fibroids ay tumutubo sa dingding ng uterus.
May mga fibroids sa tumutubo sa tangkay (tinatawag na peduncles) na tumutubo sa labas ng uterus o sa cavity ng uterus.