Ayaw pakasalan ang bf dahil Mama’s boy...
Dear Vanezza,
Gusto ko pong ikonsulta ang problema ng aking kaibigan. Mayroon po siyang bf. Almost 3 years na po ang kanilang engagement at niyayaya na ng kanyang bf na magpakasal ang friend ko. Kapwa sila nasa tamang edad na, 30 ang friend ko at 31 ang bf niya. Kaya lang parang hindi pa sigurado sa kanyang sarili ang kaibigan ko. May mga naririnig kasi siyang tsismis na Mama’s boy ang bf niya. Ano kaya ang dapat kong ipayo sa kanya? - Lysa
Dear Lysa,
Kung hindi pa nakatitiyak sa kanyang damdamin ang kaibigan mo tama na huwag muna siyang magpakasal dahil baka magsisi siya sa bandang huli. Pero mali na dahil lang sa sabi-sabi kaya bigla siyang nag-alangan. Sa 3 years nilang engaged, dapat nakita na niya kung Mama’s boy nga ang bf niya. Pag-aralan pa rin niya ang kanyang damdamin baka naman may iba pang dahilan bakit bigla siyang nag-alangan. Tiyakin muna niya ang kanyang sarili bago tuluyang patali.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest